Okey po ako sa EO 712 focused on the single ticketing system and other needs of the transport sector. Mababawasan na rin ng konti ang hirap ng mga jeepney drayber.
Sana naman ay magkaroon din nito sa amin bayan at magkaisa ang SJJODA at MJJODA para idaing ito.
Maski hindi na matatawag na jeepney drayber ngayon ang asawa ko ay maaalala ko pa ang mga pasakit na dinanas niya at dinaranas pa rin ng mga jeepney drayber dito sa amin. Pakengkoy ko na lang itong ikwento para maiba naman.
Hirap kaya ang magpasada sa Manaoag-Dagupan route. Nariyan po ang mga buwaya - dalawang klase ito : drayber na sasalisi sa yo at kunduktor na aagaw ng pasahero mo. Nariyan din ang mga pasahero na ayaw sumakay sa jeepney mo - lalo na kung galing ka ng Manaoag patungong San Jacinto- kapag walang masyadong nakasakay sa jeepney mo. kaya kailangan ang mga "pain". Sabi ko nga noon sa asawa ko pagawa kami ng mga inflatable na mannequin na automatic para di na siya magsakay ng mga "pain"
Nandyan din ang mga kangaroo - ang mga iba-ibang klase ng kundoktor na mahilig mangupit. May magtatago na ng 10 piso bawat biyahe, kaya kung 10 biyahe, aba may 100 extra na siya! At di lang po yun, may nagli-libre pa ng mga pasahero kahit isang baranggay.
May mga jeepney operators din kaming nakilala na... naku po... grabe ang pagka-istrikto. Kaya di ka pwedeng umabsent - pag araw ng pasada mo, kahit naka-swero ka pa dapat bumiyahe ka kungdi ibibigay na yun sa iba at mawawala ka na sa listahan. Kaya nga po bilib din ako sa asawa ko kahit kelan di siya nag-absent, at tsaka... kelangan eh. Ngunit may masamang karanasan din kami sa isang jeepney operator, hindi tinulungan ang asawa ko nung... talaga nga naman!.... nahuli siya ng honorable POSO at na-impound ang jeepney ni sir dahil sa isang pagka- "kagat- labing" pangyayari na napagtripan ang asawa ko na hinuli na nga nung umaga for obstruction daw... tapos nahuli uli nung tanghali kasi panget siya... tapos nahuli uli nung alas-3 dahil masyado siyang masaya kasi andami niya pashero (uy, iisang POSO lang ang humuli sa kanya, ginawa siyang altanghap)
Kaya heto - ang mga POSO- Public Order and Safety Office(POSO) ng Dagupan City (traffic enforcers) sample lang po yang picture, matino pa yan ..... nagbigay ng parusa sa mga maralita at patuloy pa ring nagbibigay ng hinagpis sa mga jeepney drayber sa amin.
Mga POSO ang di namin talaga makakalimutan. Tulad ng nabanggit ko, may gutom sa mga panghuhuli, sabi-sabi nga ay may tinatarget silang quota sa isang araw, totoo ba? Oo, andami pong bawal at sinisikap din naming di gumawa ng violation. Pero matanong lang po, bakit po kapag na-recover na namin ang aming mga lisensya ay mahuhuli kami kaagad pagkalipas ng 1-3 araw? Masakit po yun. At may mga panibagong listahan pa sila sa tuwina... bawal ang tumawag ng pasahero kung hindi ikaw ang kundoktor na naka-ID (hmm) ....bawal ang manigarilyo (tama!)... bawal ang walang basurahan... huli ka kapag walang sticker with disabled passenger sign... bawal ang nakasimangot..... haay! Meron bang tagahuli ng mga abusadong POSO? ---ewan.
So, sa mga POSO ng Dagupan... heto ang FYI:
The Proper Conduct Of A Traffic Enforcer

Below are the guidelines regarding the official procedures and proper conduct for all traffic enforcers:
1. Instruct the driver to pull over to a safe part of the road
2. Inform driver not alight from the vehicle
3. The traffic officer IS REQUIRED TO IDENTIFY HIM/ HER SELF
4. The traffic officer is required to politely inform the driver of the violation commited in clear and understandable language without vulgarity or condescending words. (o, hayan, kaya bawal ang galit na galit at talsik-laway na pananalita ha)

5. The officer is required to fill out the TVR in less than 3 minutes near the hood or beside the driver within hearing distance of the passengers and full view of passing motorists
6. Officer is required to request driver to sign the TVR
7. If driver refuses to sign, the traffic officer is required to inform the driver that he/she can contest the violation at the adjudication board
8. If driver refuses to surrender his/her drivers license, the traffic officer is required to fill out the TVR with the following information:
- plate number
- type of vehicle
- place, time and date of apprehension
9. The traffic officer is required to furnish driver with the original copy of the TVR with the following instructions:
-Where to redeem the TVR
- when to redeem the TVR
Sana po ganun na nga kaayos ang sistema nang sa ganun ay makapag-maneho na rin ako ng jeepney.

So..itutuloy ko na lang ang kwentong jeepney...
Nandyan din ang mga mamaw- as in, mga kaluluwang nagpaparamdam sa mga jeepney drayber at pasahero. Ulitin ko uli ito sa Halloween...Story 1:
Kauumpisa pa lang magmaneho ng asawa ko. Unang araw pa lang, sa parte ng Guibel, San Jacinto patungong Dagupan... tanghali... ay may pasaherong nagsabi ng "PARA!" kaya huminto ang mister ko, kaso nagtinginan lang ang mga tao. Pinaandar nya uli, katapos ng ilang segundo, may pasaherong nagsabi uli ng "PARA!" kaya huminto uli siya pero sabi ng mga pasahero wala naman daw pumapara. Kaya nagtaka ang mister ko, di na lang umimik at tuloy ang maneho. Pagdating sa may maliit na tulay ay mayroon na namang, "PARA!" at huminto ang sasakyan at tumingin ang mister ko sa likuran kung sino ang bababa... wala. Nakupo naman, kinilabutan ang mga pasahero! At nang umandar muli, biglang naputol ang axle ng sasakyan... Hanubayan!
Story 2: Ito, "tindig-balahibo story" kasi naramdaman ko rin.Gabi na noon at last trip na. Umaambon-ambon pa. Papuntang sa highway pa rin ng San Jacinto bago ang Crossing ng Sta.Maria. Mga tatlong pasahero na lang ang sakay namin. Nakisakay ako noon "joyride" lang kasama ng isang kaibigan. Sa loob kami nakaupo, likod lang ng drayber samantalang ang mga pasahero ay sa pinaka-dulo nakaupo. Nasa harapan noon ang kundoktor kasama ng asawa kong nagmamaneho.... Malapit na kami sa next stop kaya tanong ng asawa ko: " May bababa ng crossing?" Narinig namin isang matandang lalake: "Meron.." Okay. So pagdating namin sa crossing hinto kami. Ayy nakupo, walang bumaba! ... Tanong uli ng asawa ko sa mga pasahero: "di ba may bababa sa crossing?" Tinginan kami lahat. Wala sabi nung tatlong pasahero, taga-Manaoag daw sila. Kami naman ngayon ng friend ko at ng kunduktor ang nagtanungan," di ba may matandang sumagot na 'Meron'? eh...Sino yun?" Nandilat mga mata ng kundoktor, drayber at kaibigan ko. Sumagot pa sila: "...parang nakaupo lang sa tabi natin yung tao nung sumagot ah.." Tindig-balahibo kami pareho!!!
Sunod ko namang ilalahad ang kwento sa mga booking. Sila po ang mga taong bantay sa kalye (appointed nino, di ko alam) at taga-tawag ng pasahero may kundoktor ka man o wala. Ang masaklap, pagkatapos nilang tumawag at makapagpasakay, hihingi sila sa drayber/kundoktor ng 5-10 piso. Wow, dat's hebi! May mga booking din na abuso, makapagtawag lang ng 1 o 2 pasahero mareklamo pa sa 5 pisong iaabot mo..... Minsan kamo ang hirap ng pasada pero tiis lang kami, at nung last trip for the day AY OKAY, tumama kami puno ang jeepney! Pero pagstop-over namin sa sakayan/babaan sa may Cindy's Mangaldan, may grupo ng mga booking doon na nag-aabang. Nagbaba lang kami ng dalawang pasahero, pagkat lahat na ay patungong San Jacinto at Manaoag. May sumakay na dalawa na di naman tinawag ng mga booking. Kaya inakala naming di na kami magbibigay. Pero humingi ng tong. At nagreklamo nung 5-piso lang. Kaya sabi ni mister, sa kundoktor ka na lang kumuha. Pero di rin nagbigay yung kundoktor namin kaya balik siya sa amin. Sabi namin uli, sa kundoktor ka kumuha wala kami barya. Nagalit yung lider at hinampas ng dos-por-dos yung gilid ng aming humble jeepney. What to do ... suggest?
Ito ay kwento ko hango sa tunay na karanasan namin sa pasada, part siya ng buhay namin noon...at kwento ko ngayon.
0 comments:
Post a Comment
This is a PR2 blog with DO FOLLOW comment section. Comments are unmoderated.